..and they love her all the same, they just go by different names

Blog EntryReminiscing the 90’s. Cool na Jologs pa. May 13, '08 2:09 AM
for everyone
a must READ. laughtrip.=))



ito ang fashion noon.  tucked in at pair dapat ang color. sino ba naman ksing naglagay sa akin ng sumbrebro na yan, kwawa naman ako, muka akong tutoy' little boy. HAHA. ang sarap magtagalog sa post na ito. kitang kita ang katakawan ko sa planter's HAHA. whaaat.

ito ung microphone namin nung ate ko na may echo kapag nagsalita so dati pag nag-aaway kami dyan kami nasigaw. o diba tig-isa kami, COOL kami eh, mga frustrated singers kami kagaya ng pinapanood namin. hehe.

hindi ko alam kung bakit nya ako kinarga & hindi ko rin maalala kung anong pangalan nya basta alam ko kaibigan sya ng Lolo ko, sabi ko nga diba cool ako. artista kasi dapat ako noon. model sana ako sa commercials kaso strict ang parents ko. HAHAHA.

Dito makikita kung gaano ako ka-jologs nung bata ako.

Pakealam ba. Masaya eh :))

1. Masaya ka kapag naglalaro ka ng Tex at Pog. Kadalasan ang design dito ay yung mga palabas sa TV, mga drama o kaya anime, may dialogue pa. lol.

    - Oo nabibili pa namin yun ng mga pinsan ko sa kung saan mang sarisari store or usually alfer school tatakas kami sa guard ng mga classmates ko kasi bawal kami lumabas nun eh pag walang sundo then we’d go dun sa tagiliran ng simbahan kasi mura don eh. . .Minsan para may thrill dun pa kami sa Palabunutan, piso lang kasi yun masaya pa kasi yabangan after. Cool kami eh. : )

2. May comics pa ang bazooka. Kahit di mo maintindihan yung Fortune Cookie sa huli ay collection mo pa rin yun.

   - - Hirap nga intindihin nung mga fortune cookie pero tinatago ko pa rin.. dati naka-rubber band pa yung bundle nun, tapos trade pa kami ng Ate ko pag meron na kami nun.  and hoy masarap Bazooka tlga. Super kakangalay nguyain. HAHA.

3. Uso pa yung tirador, yung gawa talaga sa sanga ng puno.
    - Hindi ako marunong gumamit ng tirador (sa totoo lang) frustrated tiradora ako nun hihiram ko pa kay Jamjam ung anak nung kapitbahay namin. Hehe.

4.
Ang mga babae naglalaro ng paper dolls na tigpipiso bawat isang set sa sari-sari store.
    - TAMA! Mahal ko mga paper dolls ko dati may koleksyon pa ko ng Sailormoon at Chibimoon. Nilalagyan ko pa nga ng buhay noon eh, pinaguusap namin ung mga paper dolls namin.

5. Kung lalake ka, siguradong may pellet gun ka.
    - Hindi ako lalake pero may pellet gun ako.

6. Humihingi ka ng dalawang piso sa magulang mo para maglaro ng video arcade sa sari-sari store. Favorite mo yung Sonic, Mario at Street Fighter at Tetris.
    - Oo kami ni Raprap dun sa Winnie's sa kabilang street, Ninja turtles pa nga kami non, yuckkky talaga ako lang babae nun dun,. HAHA.

7. Nagwa-watusi ka kapag New Year kahit pinapagalitan ka ng nanay mo.
    - Oo paborito ko ang watusi noon! Kakaskasin ko gamit paa ko sabay takbo (dahil duwag) o kaya magtatalon. Hinabol pa naming dati si Melanie nun, yung kapatid ng maid namin. Hahaha.
  
8. Meron kang sapatos na umiilaw yung swelas kapag iniaapak mo. Mas sikat kung iba-iba yung kulay.
    - T
Talagang  meron! Paborito ko kaya 'yon. Yung sa Barbie maganda kasi may pink at purple na ilaw! Sabi ko nga, bata pa lang ako malandi na ko. :)) nangarap pa ako nun na ung katulad sa comercial na parang may aquarium naman ung ilalim ng sapatos tapos may isda. HAHA.

9. Merong at least isang Chicago Bulls na shirt sa bahay nyo. Madalas number 23 pa yung nakalagay.
    - Sa mga kuya kong pinsan ata meron. Si Jordan lang kilala ko nun eh.

10. Pinapatulog ka ng yaya/nanay mo tuwing tanghali o hapon para raw lumaki. Hindi na kasi  pinapatulog ang mga bata ngayon tuwing tanghali di tulad nung panahon natin.
    - Pinapatulog nga. Malala Wala namang nangyari. Malala pa nga nun sabi nila pag ganun oras may nangunguha ng bata, ilalagay kami sa sako sa version naman ng Lola ko may white monkey daw tapos ililipad daw kami sa bundok. waaa.

11. Sinasabihan ka ng matatanda na may lalabas na pari o bigas sa sugat mo kapag hindi nilagyan ng alcohol pero in the end, betadine lang ang magpapatahimik sa inyo.
   
- Sinabi nga sa akin ng yaya ko na may lalabas na bigas sa sugat ko. Kadiri talaga naman.

12. Kung babae ka, nagkaroon ka ng butterfly hairclips/rings.
(si Jolina ang nagpauso nito)
    - Ay oo naman! Cool ka pag may ganoon ka! Yung skin nga popsicles pa sunod sunod tapos nakapigtails. Grade 3 o 2 ata nauso yun. Lalo na ung mga butterflies na nagalaw. Ang baduy talaga nun. Haha.

13. Kung medyo may pera ang pamilya nyo, nagpabili ka ng Polly Pocket.
    - Paborito ko yun! Kami ng ate ko sabay pa kami nun binili. Circus type pa ung skin tapos lagi ko inaantay sa cartoon network ang bagong them ng PP. Haha.

14. Naglalagay ka ng Kisses (yung mabango) sa pencil case mo, o kaya sa isang lalagyan na may bulak, alcohol at tinutusok ng karayom para mabilis manganak.
    - Nakakaadik kaya yun! BANGO. Pero pag nakakaamoy ako nun ngayon nakakahilo na
. At syet laftrip, kumukuha pa kami ng needle sa sewing box ng lola ko para manganak ung mga Kisses namin. tapos the next day sabihin naman ayan na may anak na yehey. Hahaha.

15.
May free stickers ng Disney movies sa loob ng Maggi noodles.
    - Nag-aagawan pa kami ng ate ko diyan!! Cool yan! Tapos dinidikit ko sa lunchbox ko. O kaya sa pencil case.

16. Pinapatunog mo yung takip ng Gatorade.
    - HAHA. Oo nung competition ng swimming halos Gatorade lagi iniinum namingtapos pag wait na kami ng event namin, nagpapatunog na lang kami nun. Irita. haha.

17. Ang mga stationeries na uso: Papemelroti, Tsukuba, Sashikibuta. Pwedeng ibenta, pwedeng trade lang.
    - HAHA. Oo. Minsan ung iba galling pa sa gift gate dapat maganda rin ang itetrade . actually I still have my stationaries until now, kaming magpipinsan. Mga nasa maleta pa or bag. We use it nalang ngayon for LURRV LETTERS. Jologs. O kaya mga Reco. Hahaha. Badoodles talaga.

18. Pampalipas oras mo dati ang paglalaro ng Brick Game, at swerte yung mga may advanced version na may tumatagos na blocks para mapuno na yung gap sa loob. Mas advanced ka kung Tamagotchi ang nilalaro mo. Pinapakain mo, pinapatulog mo, at  inililibing mo kung namatay na. At kung talagang kaya nyong bumili, Game Boy ang sayo. Pero kung wala ka talaga, yung laruan na lang na may tubig sa loob tapos dapat ma-shoot  mo yung mga bilog sa stick na maliit.
    - Haba naman nito. OO NA. Nagkaron ako nyan lahat:)) Saya kaya ng Tamagotchi nho, di pa kasi kami capable nun magkaron ng Dog!

19. Bago magsimula ang klase, nakikilaro ka muna sa 10-20, jackstone, langit lupa, ice water, taguan, dr. quack quack, tumbang preso, pepsi seven up at agawan base. Di bale nang  madumi na ang uniform mo pagpasok ng classroom.
    - Lahat yan!! Tumbling pako sa Chinese garter, pasok  ako ng classroom amoy pawis na ko. Tapos pag after class na nakasando na lang ako. HAHA. Saraaaap!

20. Sinasabi mo sa kaklase mo na "Liars go to hell" kapag tingin mo nagsisinungaling sya. "Cross my heart, hope to die" kapag nangangako ka. "Period no erase" kapag gusto mo walang kumontra sayo. Kaya lang wala kang lusot kapag sinabi ng kaklase mo na "Akin yung factory ng pambura".
    - “PADLOCKED” “ TOUCH MOVE” HAHA. Tanda ko pa dati pag mag-exam kami dapat may folder ka pantakip sa test paper , sinulatan ko pa ung akin na CHEATERS GO TO HELL. Wtf. Cheater na rin ako minsan. Haha.

21. Sikat ka pag ang pencil case mo nabubuksan sa dalawang side tapos maraming attachments like magnifying lens, book stand, compartments na maliliit tapos push button pa. Minsan sa ibabaw ng pencil case meron pang maze, may maliit na silver na bola tapos  itatagilid mo yung pencil case para gumulong yun, hanggang sa matapos yung maze.
    - Lahat yun nasa pencil case ko! Pinaglalaruan ko pa pag nasa line bago pumasok ng room. :)) SIKAT AKO! Pink pa nga yun.

22. Di ka baduy kung ang notebook mo nung elementary ay may mukha ng artista.
    - Joke ka ba ba
!  RICO YAN! Haha.

23. Sa coolman mo inilalagay ang tubig na baon mo sa school.

    - OO ang bigat talaga nun. Tapos ang daming parasite sa room gusto lagi makikiinom. Yuck. Bigat kaya nun, naka-stroller pa kasi ako nun eh. Napanghampas ko rin ata yun dun sa nakaaway ko, di ko maalala kung sino basta lalaki. hahaha.


24. Nagpabili ka ng Baby-G sa magulang mo.
    - Aba oo sa OPM pa binili ata sa kidzalong, HAHA.
pink at blue ako nun. Haha!

25. Elementary ka nung nauso ang pager. Yun pa ang pinapangarap ng mga bata, hindi pa cell phone.
    - Di ah. Elementary ako uso na cellphone. Medyo. Nakakakita nako sa dad ko nun. Super haba parang remote. Haha.

26. Meron ka pa rin ng pinakamalaking cell phone na nakatago na ngayon sa mga kahon.

 - sa Dad ko . meron ata.

27. Wala pang PS/PS2, XBox, Wii, €atbp. noon. Family Computer pa lang, yung cartridge yung bala. Usong laro ang Mario Bros., Battle City at Rambo.
    - MARIO!! Walang kamatayan talaga. Tipong hihip mode pa pag ayaw basahin ung bala. And yun palang Bomberman. Favorite namin nila Gio un. HAHA.

28. Meron ka ng isa sa mga ito: Family Computer, Nintendo, Sega, roller blades, brick game,  Tamagochi, Swatch Watch w/ matching guard, Troll collection.
   
- Lahat yan meron... kaso takot ako sa mata ng Troll.

29. Alam mo ang mga linyang ito sa mga kanta: "Natatawa ako, hi hi hi hi", "Anong paki mo  sa long hair ko", "Dahil sa bawal na gamot", "Mga kababayan ko, bilib ako sa kulay ko".

  - pati kaya ung “Anak ng Pasig nga naman akooo, hoooh.. tapon doon tapon dito” . HAHAHAHAHAHAHAHAHA.

30. Isa dito ay theme song mo: "I Swear" by All 4 One, "What's Up" by 4 Non Blondes (And I     say, Hey ey ey ey ey ey. I said hey, What's goin on!), "Zombie" by Cranberries.
    - "I swear... by the moon and the stars and the sky... I'll be there..." HAHA


31. Sumasayaw ka ng Macarena.
    - Oo naman. Papasok pa kami sa kwarto ng mga katulong tapos sasayaw ng Macarena! May tamang outfit pa nga nun. Katulad dapat nung ke wowie de Guzman. Ung tipong naka chaleco, tapos white shirt sa loob. TUCKED IN! Yuck.

32. Alam mo ang kanta ng Spice Girls at may favorite ka sa kanila. Kung fan ka talaga, may poster ka pa at casette tape ka pa nila.
    - Lahat yun. Paborito ko noon si Baby Spice tapos ginagaya ko yung buhok niya. Cool e. favorite ko pa ung music video nila na naging fairy sila. At ung bus nila na super cool! Cool na cool talaga.

33. Malamang ay naging fanatic ka ng isa sa mga sumikat na boy bands.
    - Fan ako ng Backstreet Boys, si Aaron Carter , may poster pa ako beneath my Bed, sinasamba ko pa every night. Goodnyt aaron, kiss.Jologs grabe, Hahaha.

34. Ang tinutugtog lagi sa radyo ay mga kanta ng mga banda gaya ng Eraserheads, Parokya ni Edgar nung nagpapalda pa lang sila, Alamid, Rivermaya, True Faith, The Youth, Afterimage at kung anu-ano pang pinoy bands.

35. Tape pa ang uso, di CD or MP3 players. Pag gusto mo yung kanta kailangan tantyahin
    mo kung ilang seconds i-rewind yun para mabilis paulit-ulitin.

  - Proud na proud pa ako sa una kong walkman. Huh.:p

36. Kinakanta nyo dati sa school yung "Heal the World", "Tell the World of His Love", "Jubilee Song", etc.
    - Adik Maryhill dyan sa mga kantang yan!  Catholic kasi, Ginagawang OP o kaya kanta sa misa, ung after song, mag lead pa kami nun sa altar. Naks. Role model toh' Haha.

37. Nanonood ka dati ng Power Rangers, Captain Planet o Ninja Turtles. Nagkukunyari pa  kayo ng mga kaibigan mo na kayo yun at nagkakasipaan  kayo.
    - Kimberly! PINK RANGER!! :)) "Captain Planet he's our hero gonna take pollution down to zero".  at Oo syet, umiyak pa ko nun kasi nasipa ako ni Rap sa baba sabay untog dun sa may edge ng bed, nahilo ako. Plus bukol pa HAHA.

38. Di ka papagalitan ng magulang kahit magbabad ka sa TV, basta ang pinapanood mo ay Hiraya Manawari, Bayani at Sine Skwela, kung saan nakilala mo sila Teacher Waki, Ugat  Puno, Palikpik, at ang buong barkada nila lalo na kapag nakasakay sila sa space ship o sa  jeep na lumilipad.
    - Paborito ko noon ang Sineskwela at Bayani kasi feeling ko marami akong alam at ang tali talino ko. At saka ung sasakay sila dun sa basket ba o malaking kaldero ba un. Enjoy na enjoy ako dati. Yuck. HAHA.

39. Sinubaybayan mo ang Ghost Fighter at ang Dragon Ball. Naging favorite mo si Eugene at s
i Goku.
    - Gwapo si Eugene!!! Hahaha!!

40. Niloloko mo yung theme song ng Voltes V kasi di mo maintindihan yung theme song:    "Tato ni Ara Mina malaking cobra...", "Boltes Payb lima sila, pumunta sa kubeta...", "...Kontra Bulate!"

    - naririnig ko yan dun sa mga kalaro kong lalaki. Ang alam ko lang ung action eh. HAHA.

41. Napanood mo din yung ibang anime tulad ng Shaider, Sailormoon, Daimos at Maskman. Saulo mo pa nga yung kanta dun: "Oh maskuman kayo ang pag-asa.. Iligtas kami sa  marahas na kadiliman... Kami inyong ipaglaban! Sugod, sugod laban maskuman, ipaglaban nyo ang katarungan.. Sige, sige laban maskuman.."
    - Hindi. Ayoko ng anime. Cute lang damit ng sailormoon nun. Ganda nila kapag ung tipong mag evolve na sila. Haha.

42. Sinubaybayan mo ang Sarah ang Munting Prinsesa, Julio at Julia, at Cedi. Pinanood mo pa nga yung movie version ng Sarah ang Munting Prinsesa with Camille Prats.
    - OO! Kapamilya ako nun eh. Iniyakan ko pa yang Sarah! Crush ko pa si Cedi nun. Ang yaman kasi nya. HAHAHA.

43. Alam mo din yung "Ang Pulubi at ang Prinsesa" with Camille Prats and Angelica Panganiban.

    - Pinanood ko yun at umiyak ako! Laftrip si sweet nun eh. "Alam mo Nica, kahit wala akong pinag-aralan, marunong rin naman akong mahiya. Kaya hindi mo na kailangan itaboy. Kung lahat ng nagmamahal sayo, itataboy mo, hindi ka magiging masaya"  HAHA MEMORIZED???


44. Gusto mong sumali sa ANG TV. Pero alam mong hindi na pwede. kaya kuntento ka na lang sa panonood nito tuwing 4:30 ng hapon.
    - Gusto ko talaga kaso sabi ng Mommy ko bawal daw kasi nag-aaral ako. Haha!

45. Batibot ang usong palabas. Akala mo nga mag-dyowa o mag-asawa sina Kuya Bodjie at Ate Sheena.

46. Alam mo yung tono ng pinausong kanta ng show na "ATBP.": Isa.. dalawa-tatlo.. apat-lima.. anim-pito-walo.. syam-sampu... labingisa-labingdalawa... labingtatlo...
labingapat-labinglima...
    - Kinakanta ko pa yun dati lagi! Saya saya kaya matuto!

47. Napanood mo ang Batang X.


48. Sabay kayo nanonood ng yaya mo ng Marimar.
    - HAHA tsaka Gobingo! LOL! Marimar awww! Chabelita at Rosalinda pa pala, pati nga yung Alicia pinatulan ko eh!

49. Nanonood ka ng kahit alin dito: "Okay Ka Fairy Ko", "Oki Doki Doc", "Abangan ang Susunod na Kabanata", "Palibhasa Lalake", "Ober da Bakod", at "Home Along Da Riles".
    - Lahat yan. Jologs ako eh.

50. Galit ka kay Clara kasi sobra naman talaga sya mang-api kay Mara.
    - Sama-sama ni Clara kay Mara umiyak pa ko dun!!

51. Pinanood mo din yung "Villa Quintana", "Esperanza", "Anakarenina" atpb.
    - Syempre naman! Madrama ako nung bata pa lang ako!! Totoy pa si Dingdong Dantes sa Anakarenina.

52. Mga love teams na nagpakilig sayo: Juday and Wowie. Jolina and Marvin.
    - Kinilig ako kay Claudine Barreto at Rico Yan e.

53. Alam mo yung commercial ng Tender Juicy hotdog na ganito: "Dear diary, Carlo sat beside me today. He's so cute! Sabi niya I'm pretty kaya lang I'm fat."
    - "Goodbye Carlo!" hahaha & paborito namin dati un kamuka kasi nung isa namin pinsan ung babae dun. or pag nagkakatuwaan pag kumakain kami nun kanya kanyang version. haha.

54. Kinakanta mo yung "Thank God it's Sabado, pati na rin Linggo..." at "Isa pa, isa pa, isa pang Chicken Joy".

55. Nasa channel 2 pa ang Eat Bulaga at ang Mel and Jay.

56. Nakikita mo sa balita na may mga kultong nagtatago na sa kweba, kasi magugunaw na ang mundo sa year 2000, at yung mga computer daw bigla na lang mag-shu-shut down at mawawala na daw ang technology.

57. Chinese variety shows ang palabas tuwing umaga ng linggo.
    - Hello Kitty lang natatandaan ko. Pinapanood ko yun bago maligo para      magsiba.

58. Matapang ka kung napanood mo lahat ng Shake, Rattle and Roll movies.
    - Lalo pag Halloween tapos may marathon. Woo! Hindi ko makakalimutan yung "Aparador".         

59. Narinig mong i-announce sa radyo yung death ni Princess Diana. Biglang nauso yung   kanta ni Elton John na "Goodbye, England's Rose."
   
-  di ko kilala masyado si Princess Diana nun kasi ako ang prinsesa lang sa buhay ko nun. Hahaha!

60. Nasa VHS yung mga movies na pinapanood ninyo sa bahay.
    - Betamax pa nga eh.

61. Kung babae ka, naging crush mo si Leonardo di Caprio dahil sa Titanic. Kaya nga lang, bawal ka pa tumingin sa kissing scenes nina Jack at Rose. Haha.
    - OO! Pinapapikit pa mata namin nun nanonood kami nun!  palagi ata namin un pinapanood, once a week. ginagwa namin movie room kanya kanyang unan at magbake ng brownies si ate Jing. grabe hot ang love scene dun sa car. tipong may kamay kamay  pa. hahahaha.

- ito ung P.Pocket ko hawak ni ate. Circus model pa yan. wild ako eh pero ang gusto ko talaga nun ung may garage , auto ksi,  haha. Malala ki na nga version ng Polly's ngayon.


at ganito kasarap matulog noon, ganto lang ang buhay diba. tipong " AHH THIS IS LIFE" ika nga . sabi ko sa inyo bata pa lang ako maarte na ako, diba the pose at girl na girl pa. HAHA. crossed legs. poised ako eh. feeling ko I'm a bird, i can Fly. haha.

Negra pa kami sa picture na ito. `to talaga ang fashion noon. the hairstyle, at my pose at ang pagpapa-cute. feel ne feel ko ksi artista ako noon talaga. hehe..


owweeeelll, tat`s all.


- K a TK@ t



12 CommentsChronological   Reverse   Threaded
kathrinetan wrote on May 13
weee!!!...i enjoyed reading this kat!!...hahaha...nkkarelate ako!!...wahahaha.....at cute2x ng mga pics!!!
lifesgr8 wrote on May 13
hahaha:)) i tOtally agree!!!! hahaha i was lafing hard when i was reading this:)) hahahaha! nice one twin!:D
imsuchacutiepie wrote on May 13
kaaliw ka neng :) relate ako e. haha!
czar1203 wrote on May 13
haha..aliw..
katcheeney wrote on May 13
hahaha. enjoy!:-)
joannaclaireuri wrote on May 13
aliw :D naalala ko elementary days :D haha.. correction sa pager... grade 5 ako my cellphone nako :D wahaha
shie10 wrote on May 13
may blog post dn ako n ganito!
haha.

kaaliw noh?
isayis wrote on May 14
kaka-aliw naman kat.Ü
katcheeney wrote on May 15
shie10 said
may blog post dn ako n ganito!
haha.

kaaliw noh?
yeah trish. saw it. hehe.. kaso nag kaiba tayo ng source. ung sken may comment pako bawat isa. madaldal ako eh. just can't get enough of sobrang aliw. as iiinnn:)
katcheeney wrote on May 15
ooops.* IT.
yannabear16 wrote on May 15
haha.loka ka, ganun din mga ginagawa ko nun..katawa talga. dream shoes ko din ung may fish sa takong, saka damit na may aircon sa commercial.haha
katcheeney wrote on May 15
haha.loka ka, ganun din mga ginagawa ko nun..katawa talga. dream shoes ko din ung may fish sa takong, saka damit na may aircon sa commercial.haha
nagtaka ka pa nho. best friends thin a like, ikaw pa! ako pa!. hahaha. see you!
Add a Comment
   
© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help