I read
this essay in some blog about a story of a girl and the “short summary” of how
love found her and how she found love.. it's pure tagalog btw. The whole story was around 10 pages I
think. This is just the shortened version. It’s really touching. She may not be
so eloquent in writing but she definitely tugged the heartstrings of many.. mine rin. I
thought of pasting it all here so my blogger readers can read it most
especially my friends out
there! i'll bold the lines i like most.. YUNG TIPONG NAHABAG ANG AKING PUSO AT KUNG PAANO TUMAGOS ITO SA AKIN.haha:))
Isang babae lang
talaga akong nangangarap. Nangangarap na magmahal at mahalin. Mahirap ba? 18
yrs old na ako at wala pa akong nagiging boyfriend. No boyfriend since birth
nga kung tawagin. Hinde, hindi ako lesbian o bulag, I guess the most cliche
thing to say is, "I really haven't found the one." Sa totoo lang, alam
kong maraming mga babae diyan ang nakakaramdam ng dinaramdam ko ngayon, siguro
ako lang yung may tapang ngayon na sabihin to kasi wala na eh, tapos na
paghihirap ko sa puso.
Hindi
ako manunulat. Hindi ako niregaluhan ng mga "ostentatious" words o ng
"correct grammar" kaya pagbigyan niyo na lang ako tutal una at huling
beses ko lang rin magsusulat tungkol sa nilalaman ng puso ko.
Grabe,
sobrang hirap pala magmahal! As in todo. Lalo na pag ayaw na ayaw mong
masaktan. Ganon kasi ako eh, kaya siguro napakatagal kong umibig kasi kailangan
ko pang malaman kung dapat ko bang ibigay sayo puso ko kasi baka basagin mo
lang.(i really like this line so direct.awww-katt). Yung una kong naging "fling" (pero hindi talaga fling kasi
seryoso naman kaming dalawa eh.) Seryoso nga kami, at pagtapos ng 2 buwan,
seryosong papatayin ko na siya sa oras na makita ko siya. Noong oras na yon,
naging bato na ako sa mga lalake. Alam niyo kung bakit? Akalain mo ba namang
may isa pang babae sa buhay niya. Ano yun, share kami? Eh gago pala siya eh.
Dahil ba ayoko pang maging boyfriend siya, pwede na siya kumuha ng isa pang
babae? Lintek. Where’s the sincerity in what “we already have”? Eh kung ganon
pala eh di sangkatutak na pila na nakaantay sakin. Oo, siguro inisip ko na
pwede, pwede nga na maging "the one" na siya kasi asa kanya na lahat
ng hinahanap ko. Kailangan na lang naman niya iparamdam sakin na karapat dapat
siya sa buhay ko. Sinayang niya talaga yung pagkakataon na yun. Madamot na ba
ako dahil dun? Masama ba na gusto ko akin lang siya? Masama ba na ayokong
may kahati ako sa puso niya?
Siguro
hopeless romantic lang talaga ako. Lagi akong umaasa na may magsusuprise sakin
ng 100 white roses sa labas ng bahay ko o kaya may helicopter na dadaan sa
bahay namin na may banner na nakasabing, "Mahal kita, wala ng iba."
Diba?! Sino bang hindi gusto nun? Pero tila isang pangarap nga lang. -aww. these lines are really sweeet
Pero
simple lang naman ako eh. Alam niyo ba kung ano talaga nakakatibok ng puso ko?
Yung mga tipong andun siya sa malayo at kakausapin lang niya yung katabi niya
at ituturo ako at sasabihin, "Pare, mahal na mahal ko yan." Grabe,
pwede na ako mamatay kung sa baga. Kahit na yung tatakpan lang niya yung mata
ko pagpupuntahan niya ako at huhulaan ko kung sino siya. Kahit na yung
hahawakan lang niya yung kamay ko at hindi niya bibitawan buong araw. At yung
bigla na lang siyang titingin sa dalawa kong mata at sabihing. "Ikaw lang
minamahal ko, lahat ng babae diyan walang kwenta dahil ikaw lang nagpapatibok
ng puso araw at gabi." Lintek yan. Nangangarap nga naman ang gaga.
Hindi kasi ako
yung katulad ng lahat ng babae. I'm a challenge and I love being one. Hindi ako
madaling maakit, o makuha dahil mataas nga siguro pride ko. Kailangan mong
patunayan na ikaw ay para sa akin. Minsan nga binabatukan na ako eh. "Ay
nako, hindi ka talaga maiinlove, masyado kang maraming hinahanap!" Syempre
diba, ang nagsabi sa akin nun ay nagkaroon na ng 10 boyfriends, kaya naging
walang kwenta rin sakin. Bat ko naman siya gagayahin diba? Mabuti ng walang
boyfriend kesa sa tulad niya na kulang na lang isang dosena na eh. Laking tawa
ko na lang kung naging 1 dozen na yun. Siguro, matiyaga lang talaga ako
magintay. Naniniwala at patuloy na nangangarap.
------------------------------------------------------
Isang
babae lang talaga akong nangangarap. Nangangarap na magmahal at mahalin. Madali
lang pala. 23 yrs old ako at isa pa lang ang naging boyfriend ko at iisa lang
habang buhay. Hindi ko akalain na ang pagkakaibigan namin ay isang tulay para
sa isang malapantasyang relasyon. Hindi ko inisip na siya ang makakasama ko
ngayon. Marami na siyang naging mga babae pero andun lang ako, kaibigan niya,
katabi niya. Sabi nila, once you're friends, you are just friends. Na wala ng
pagasa maging mas higit pa doon. Well, I think we proved all of them wrong.
Sobrang saya ko ngayon. Hindi niya nagawa lahat ng mga hopeless romantic acts
na gusto ko pero may sinabi siya sakin nung araw na sinabi kong OO. "Alam
ko hindi ako yung inaasahan mong sasabihin ito pero gusto kong malaman mong
galing to lahat sa puso ko. Mahal kita. Hindi dahil matagal na kitang kaibigan ngunit
mahal kita dahil gusto kitang makasama ng habang buhay. Ikaw lamang nilalaman
ng puso ko at wala ng iba. Hindi ko sisirain pagtitiwala mo sakin at
ipaglalaban kita sa kahit sino man. Hindi kita sasaktan at hinding hindi kita
papaiyakin. Ako ay para sayo Ruth. I am the one for you and you are the one for
me.... *sabay luhod* Can you be mine?" Alam niyo ba kung anong nasagot ko?
Matawa na lang kayo, "Eh gago ka pala eh, pinaiyak mo na ako o!"
Sabay hinalikan ko siya at sinabi ang malatelenovela kong "Oo, I am yours
Tim". Grabe, parang huminto mundo ko nung oras na yun.
kakasal na kami
ng ilang buwan at nakakatuwang isipin na ang mga pangarap nga naman ay
natutupad rin. Ang mga pangarap ay totoong mas malapit pa nating maabot kesa sa
ating iniisip. Walang masama sa pangangarap dahil kahit na isiping hindi ito
magkakatotoo, bigla na lang kakatok ang isang magandang araw at liliwanagan ang
pusong nangangarap.
Ako
ay isang manunulat. Ang storya ng aking pagibig ay ngayoy nababasa na sa aming
barangay. Inaasahan namin ni Tim na ito ay makabigay pagasa sa mga taong sawi
na sa pagibig. Nais namin ipaalam na hindi nagtatapos ang lahat sa isang dagok.
Nagulat
ka ba kaibigan? Napakaiba ng dalawang aking nasulat na mga talata. Oo, iisang
buhay lang yan. Ang isang buhay ko na nabago dahil binuksan ko narin ang puso
ko. Malaki nga talaga ang nagagawa ng pagsunod sa iyong puso. Kaya tara na,
buksan ang iyong puso, hayaan kumatok ang kapalaran mo.
touching right?:).